Ganting Galaw sa mga Teoryang Pampanitikan
Teoryang Queer
Girl, Boy, Bakla, Tomboy
Natutunan:
Natutunan ko na
dapat magkaroon tayo ng respeto sa isa’t-isa. Dapat nating igalang kung ano man
ang landas na tatahakin ng isang tao lalo na ng mga LGBT dahil wala hindi naman
tayo ang nag dedesisyon ng kanilang buhay. Wala tayong karapatang manghusga at
tapakan ang kanilang pagkatao dahil pareho lang tayong tao na namumuhay sa
mundong ito. Ang respeto ay hindi hinihingi at kusa itong binibigay sa mga
taong karapat dapat bigyan nito, mga namuhay na may malinis na hangarin, dignidad at walang tinatapakang tao. Natutunan ko na ito ay isa sa mga halimbawa
ng Teoryang Queer.
Reaksyon:
Ang sanaysay na
ito ay naglalahad ng mga pangyayari sa ating lipunan. Kagaya ng diskriminasyon sa mga taong nabibilang sa
LGBT. Umaayon ako sa sinabi ng may akda sa kanyang sinulat dahil dapat nating
irespeto ang bawat tao na nabubuhay sa mundo. Nakakainis kasi yung mga taong
kung maka husga akala mo perpekto sila, hindi nila alam na nakakasakit na pala
sila ng damdamin ng isang tao. Dapat
talaga nating bigyan ng pantay na pagtingin ang bawat kasarian.Bigyan natin ng
respeto ang lahat ng tao sa mundo at
sanay wag nating tingnan ang kanyang katauhan o ang kanyang kasarian
dahil pareho lang tayong tao na mahal ng ating Panginoon at pantay tayong lahat
sa paningin niya. Angkop naman ang teorya dahil layunin ng panitikan nan ito ba
isulong ang karapatan at labanan ang diskriminasyon sa mga nabibilang sa
ikatlong kasarian tulad ng bakla at tomboy.
Teoryang Klasisismo
Ang Tondo man ay may Langit Din
Ni Andres Cristobal Cruz
Natutunan:
Natutunan ko na huwag nating
husgahan ang isang lugar base lang sa ating narinig o huwag naman nating
lahatin. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay puro away, ingay, dumi lang ang makalarawan sa lugar na Tondo. Mayroon
din naman itong magagandang pangyayari na hindi malilimutan ng isang tao base
na rin sa kanyang mga karanansan. Sa pagmamahal, hindi hadlang ang estado ng
buhay sa pag-iibigan ng dalawang tao. Kung tunay at wagas ang iyong pagmamahal
ay wala ng makakapantay o makakahigit pa. Kahit ano mang pagsubok ang dumating
ay handa kayong ipaglaban ang inyong mga karapatan magkaroon lamang ng maligaya
o masayang wakas. Natutunan ko rin na ito ay napabilang teoryang Klasisismo
dahil ipinapakita ditto ang dalawang estado ng buhay ng tao na hindi magiging
basehan para magkaroon ng tunay na pagmamahal.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay naglalahad ng mga
pangyayari tungkol sa estado ng dalawang tao na hindi maging hadlang upang
ipasakatuparan ang mga pangarap. Bilib ako sa tapang at galing ni Victor dahil kahit ano mang pagsubok o
dagok sa buhay ang kanyang natatamasa ay hindi pa rin siya sumuko. Bumabangon
pa rin siya at handing harapin lahat ng pagsubok o problemang dumarating.
Napakaganda ng kwentong ito dahil sa pagmamahal ng dalawang taong handing
ipaglaban ang isa’t-isa kahit estado man ng buhay ay magkaiba. Akma rin ang
teoryang napili dahil ang klasisismo ay may layunin na mgalahad ng payak, ukol
sa pagkakaiba ng estado ng buhay na dalawang nag-iibigan.
Teoryang Realismo
Si Intoy Syokoy ng Kalye Marino
Ni Eros Atalia
Natutunan:
Natutunan ko sa kwentong ito na kahit gaano ka hirap ang buhay o ang
pamumuhay ng isang tao ay dapat paring mag-isip kung ano ang tama at mali.
Kahit ano mang trabaho ang magagawa basta’t ito ay marangal at hindi ka
nagkasala ay dapat mong ipagmalaki ito. Kagaya ni Intoy Syokoy na taga linis ng
tahungan, siya’y kontento na sa kanyang buhay hindi na siya naghahangad pa ng
mas marangyang buhay na naglalakihang sweldo basta’t marangal at hindi ka
nakakasakit ng tao ay dapat ng ipagmalaki iyon. Natutunan ko rin na sa Teoryang
Realismo, dito inilalahad ng may akda ang kanyang mga nasakshan mula sa kanyang
lipunang kinabibilangan ngunit isinaalang-alang dito ang kasiningan ng kwento.
Reaksyon:
Ang kwentong ito
ay sumasalami sa pamumuhay ng mga taong salat sa pera o ang kahirapan ng
pamumuhay ng tao. Hanga pa rin ako kay
Intoy Syokoy dahil kahit mahirap man ay
kumakayod pa rin siya ng maigi at kahit gaano ka hirap man ang trabaho
ay malinis at marangal pa rin ito. Hindi katulad ni Doray na ibinibenta ang kanyang pagka babae para
lang magkaroon ng pera. Kung ako ang nasa sitwasyon niya ay hindi ko gagawin
iyon, dahil may marami namang marangal na trabaho ang iyong magagawa. Mas
mabuti ng mag benta ng tilapia kaysa magbenta ng iyong sarili sa ibang tao.
Dahil na rin siguro sa kahirapan ay kaya nagawa iyon ni Doray pero nagkamali
lang siya dahil hindi iyon ang tamang paraan sa paghahanap buhay. Angkop naman
ang teorya sa kwento dahil sa nasaksihan ng may akda sa lipunan o sa totoon
buhay.
Teoryang Arkitaypal
Gapo
Ni Lualhati Bautista
Natutunan:
Natutunan ko na dapat huwag nating hayaang
tapakan tayo ng sino mang tao dahil
lahat tayo ay pantay-pantay. Kahit ano mang kulay ng ating balat kayumanggi man
o puti ay huwag nating husgahan o alilain ang isang tao. Huwag nating hayaan
sakupin tayo ng ibang dayuhan at magsasawalang bahala lang tayo. Dapat kumilos
tayo at mas tangkilikin ang sariling atin.Kaya bilang isang Pilipino dapat mas
pinagtutuonan natin ng pansin ang sariling atin at dapat nating ipagmalaki ang
gawang Pinoy. Natutunan ko sa Teoryang
Arkitaypal, gumagamit ito ng modelo o huwaran upang masuri ang akda. Gaya nga
ng mga Amerikano, kapag nakakarinig tayo ng Amerikano o Amerika ang pumapasok kaagad sa ating isipan ay mahal,
imported at nakakaangat pa sa atin.
Reaksyon:
Ang nobelang ito ay tumatalakay sa sa
probelamang nababalot sa mga Amerikano laban sa mga Pilipino. Napakasakit
isipin dahil mismo sa ating Lupang sinilangan ay tayo ang inaalila at ginawang
sunod-sunuran sa mga dayuhan. Pero si Mike kahit may dugong Amerikano ay puso’t
diwa ay tunay na Pilipino. May malawak na kaalaman, mapagmahal sa pamilya at
kaibigan. Bilib ako kay Mike dahil handa niyang isugal ang sarili sa
pakikipaglaban mabigyan lamang ng hustisya o kasagutan ang nangyari kay Magda.
Naiinis rin ako minsan kay Magda dahil halos lahat ng binibili o kinakain ay
gustong imported at hindi man lang niya inalam kung ano ang magiging epekto
nito sa kanyang buhay. Angkop naman na Teoryang Arkitaypal dahil gumagamit ito
ng modelo o huwaran upang massuri ang element ng akda.
Teoryang Pormalistiko
Sandaang
Damit
Natutunan:
Natutunan ko na kung mayroon man tayong mga kakilala
na medyo mas mababa sayo, ay huwag mo na sanang tuksuhin pa o pagkatuwaan dahil
nakakasakit ito ng damdamin. Huwag natin silang tuksuhin at alilain upang hindi
sila makagagawa ng kasalanan na kahit labag sa kalooban ay ginawa nila para
lang hindi na siya ang sentro ng mga pagtutukso. Dapat huwag rin nating ugaliin
ang pagsisinungaling at baka madala natin ito hanggang sa pagtanda.
Reaksyon:
Ang kwentog ito ay
nagsasaad ng mga pangyayari sa isang bata na palaging tinutukso dahil siya’y
mahirap at ang kanyang damit ay pabalik-balik lang. Hindi tama ang ginawa ng
kanyang kaklase na tuksuhin at siya’y pagtulungan dahil wala naman siyang
ginawang masama at wala naman siyang kasalanan kung pinanganak siyang mahirap
lamang. Dahil na rin sa panunukso ng mga kaklase ay nakapagsinungaling ang bata
na dapat ay huwag tularan upang hindi makaugalian ng isang bata. Sana ay pinabayaan
na lamang ng bata ang kanyang kaklase na tuksohin siya hanggang sila na ang
mapagod at hindi na gagambala sa kanya. Pero hindi natin masisisi ang isang
bata dahil ginawa lang niya ang desisyon na sa tingin niya ay tama at
makapagpabago ng lahat. Angkop naman ang Teoryang Pormalistiko dahil hindi na
ito kailangan pa ng malalimang pagsusuri at ipinaparating ng may akda ang nais
niyang ipabatid sa mga mambabasa.
Teoryang Humanismo
Paalam
sa Pagkabata
Natutunan:
Natutunan ko na kahit gaano pa ka laki ang
kasalanang ginawa ng isang tao ay dapat marunong tayong magpatawad. Huwag
maging mapagmataas at hayaan mong ibaba ang iyong sarili para sa iba. Sa
sitwasyon ni Celso hindi pa man niya masyadong maintindihan ang nangyayari sa
kanyang buhay ay balang araw malalaman na rin niya ang buong katotohanan. Siya
na mismo ang magtahi-tahi ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Natutunan ko rin
na dapat pahalagahan natin an gating pagka bata dahil minsan lang ito dumaan sa
ating buhay. Gumawa tayo ng mga masasaayang alaala sa ating buhay na sa atig
pagkabata lang mararanasan. Sa teaoryang Humanismo rin binibigyang halaga ang
dignidad at damdamin ng isang tao.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay napapatungkol sa isang bata na
minsa’y naguguluhan sa kanyang buhay. Napaka lungkot ng buhay ni Celso dahil
hindi niya pa talaga lubos na maunawaan ang mga pangyayari sa kanyang buhay.
Hindi niya alam kung bakit palaging umiiyak ang kanyang ina tuwing tinitingnan
ang lambat.
Sa kalagayan naman ng kanyang ina, ito’y hindi dapat
tularan dahil nagawa niyang makipagtalilkkahit hindi naman niya nakita ang
mukha o ang katauhan ng isang tao. Diba kapag mahal mo ang isang tao at matagal
na kayong magksamama ay lahat ng kanyang postura, pisikal man, ang kanyang amoy
ay malalaman mo na. Pero hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ng ama dahil huwag
sanang I daan sa dahas ang lahat dahil pinagsisihan na iyon ng ina at ang bata
ay walang muwang o kasalanan sa nangyari. Angkop ang teoryang Humanismo dahil
nagbibigay ito ng halaga sa dignidad ng tao
kabilang nito ang kanyang isip at damdamin.
Teaoryang Ekspresyonismo
Caregiver
Natutunan:
Natutunan ko na kung may maayos
ka namang trabaho ay sana’y huwag ng magtrabaho at manilbihan pa sa
ibang bansa. Mas maganda at nakakagaan ng loob na ang iyong pinagsisilbihan o
tinuturuan ay ang mga batang Pilipino. Ikaw ang magsisilbing gabay sa landas na
kanilang tatahakin. Diyan magmumula ang kaalaman na dapat malaman ng mga
magi-aaral. At kung may-away man sa inyong mag-asawa ay dapat pinag-uusapan ng
mabuti hindi yong maghihiwalay nal
lang agad. Paano naman ang anak na gustong magkaroon ng buo at masayang pamilya
pagdadamutan mo ba iyon?Natutunan ko rin na dapat bigyan natin ng halaga ang
sakripisyong ginawa ng mga OFW dahil ginawa nilang lahat para lang sa pamilya.
Humahanga ako sa tapang at lakas na kanilang ginawa alang-alang sa kanilang
pamilya. Kahit malayo man sa kanilang pamilya ay titiisin nila magkaroon lang
ng ginhawang pamumuhay ang pamilya. Natutunan ko rin sa Teoryang Ekspresyonismo
dahil tuwirang ipinapahayag ng may-akda ang kanyang kaisipan at damdamin. Tulad
sa pelikula na nagsisilbing repleksyon na sumasalamin sa lahat ng uri ng
tungkuling ginampanan ng mga OFW.
Reaksyon:
Sa pelikulang ito masasalamin ang mga
paghihirap at sakripisyong ginawa ng mga caregiver sa ibang bansa. Hindi ko
nagustuhan ang desisyon ni Sarah na pumunta sa ibang bansa at doon magtrabaho
dahil marangal naman ang kanyang trabaho lalo na’t siya ay isang guro na may
ranggo. Isa lang naman ang kanilang anak at doctor pa ang kanyang ang kanyang
asawa. Parang hindi pa siia na kontento sa kanilang buhay. Kung ako sa kanila
mas pipiliin ko pa ang magtrabaho sa sariling bansa at maging guro. Mas gusto
kong mag lingkod sa ating bayan at magturo sa mga bata kaysa naman sa ibang
bansa na parang alilain at maging sunod-sunoran sa mga dayuhan. Angkop naman
ang teoryang Realismo dahil ipinapahayg ng manunulat ang kanyang kaisipan at
damdamin. Pero para sa akin pwede rin naman siya sa Realismo dahil ito yung mga
nangyari sa lipunan o totoong buhay. Hindi nga lang tuwirang katotohanan dahil
ginagamitan ng may akda ng pagka masining upangh maging kawili-wili at makakuha
ng atensyon sa mambabasa
Teoryang Markismo
Sandaang
Damit
Natutunan:
Natutunan ko na dapat hindi ugaliin ang
pagsisinungaling dahil dahil ito’y maling pag-uugali na di dapat makasanayan.
Dapat ay dahan-dahan nating turuan ang mga bata kung ano ang tama at maling
gawain upang itoy hindi maka sanayan.Dahan-dahan nating ipa-unawa sa mga bata
na ang pagsisinungaling ay di dapat gawin. Sa mga bata ring mahilig mang-api ay
dapat mas gabayan pa sila at turuan na hindi tama ang kanilang ginagawa at
gabayan sila sa mga tamang gawain. Natutunan ko na sanayin ang mga bata na maging matulungin at
mapagbigay sa lahat ng mga nangangailangan. Kagaya sa kwento, nang makita nila
kung gaano ka hirap ang pamumuhay ng batang kanilang inaapi ay napagtanto nila
sa kanilang sarili na dapat siyang tulungan at hindi apihin. Ang kwentong ito
ay hindi sa teoryang Markismo at mas angkop ito sa teoryang Pormalistiko.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay nagsasaad ng mga
pangyayari sa isang bata mga pagsubok at
kung paano niya ito malalampasan. Siya’y palaging tinutukso dahil sa kanyang
damit na pabalik-balik na at ito ay mga luma na. Nakakasakit isipin na may mga
taong walang alam kundi ang mang kutya ng ibang tao at pilit na tinatamakan ang
katauhan ng isang tao. Hindi ko nagustuhan ang mga ginawa ng mga kaklase ng
bata dahil palagi lang nila itong inaapi at ito’y hindi tamang pag-uugali.sa
halip sana’y tulungan ay mas lalo pa nila itong inaapi at kinukutya. Hindi ko
rin nagustuhan ang naging paraan ng bata upang hindi na siya tuksuhin dahil ito
ay maling paraan. Pero hindi naman natin masisisi ang isang bata dahil hindi
niya pa talaga alam kung ano ang tama at mali. Para sa akin, ito’y hindi
napabilang sa teoryang Markismo dahil ang layunin ng Markismo ay ipakita na ang
tao ay may kakayahan na umangat sa buhay na magsisilbing modelo para sa mga
mambabasa. Ang ginawa ng bata ay hindi dapat gayahin ng mga mambabasa dahil ito
ay maling pag-uugali o paraan na di dapat gayahin. Mas nababagay ito sa
teoryang Pormalistiko dahil tuwiran nitong isinasalaysay ang nais nitong
ipabatid at hindi na kailangan ng malalimang pagsusuri.
Teoryang Feminismo
Nanay
Masang sa Calabarzon
Ni
Sol F. Juvida
Natutunan:
Natutunan ko na bilang isang babae, huwag nating hayaang maging
sunod-sunoran lamang. Dapat nating ipakita sa lahat ng tao na may kakayahan tayong ipaglaban ang
sarili.Hindi dapat tayo ma kontento sa mga bagay na nagbibigay sa tin ng
limitasyon. Kung kaya ng mga lalaki, kaya rin naman ng mga babae. Dapat nating
ipakita kung ano ang meron tayo. Mga bagay nan a di inaakala ng lahat na
magagawa ng mga kababaihan. Kagay lang ni Nanay Masang, buong tapang niyang
hinarap ang kanyang mga kalaban. Handa niyang ibuwis ang kanyang buhay makamtan
lang ang minimithing panalo o tagumpay laban sa mga gobyerno. Natutunan ko rin
na ito ay Teoryang Feminismo dahil nakatuon ito sa mga kababaihan na may
kakayahang umangat at ipagtanggol ang mga sarili.
Reaksyon:
Sa kwentong ito pinapakita na ang mga kababaihan ay
may karapatang mamuno sa ano mang pagsubok na dumating. Bilib ako sa tapang na
ipinakit ni nanay Masang sa kwento dahil hindi siya takot mabaril at mas takot
siya sa gutom dahil unti-unti ka nitong papatayin. Kahit ibuwis man niya ang
kanyang buhay ay handabniyang harapin ang mga ito makamit lang ang kanilang
ipinaglalaban. Sumasang-ayon ako sa kwentong ito dahil kahit babae ay may lakas
at tapang na harapin ang mga pagsubok sa buhay. Napakaganda dahil ibinabandera
nito ang kakayahan ng mga kababaihan na mamuno at proteksyunan ang kanilang mga
sarili. Angkop naman ang Teoryang Feminismo dahil layunin nitong ipakita na ang
mga kababaihan ay may kakayahang umangat at ipagtanggol ang kanyang karapatan.
Teoryang Bayograpikal
Mga
ala-ala ng isang mag-aaral sa Maynila
Ni
P. Jacito
Natutunan:
Natutunan ko na napakahalaga talaga ng pag-aaral dahil ito ang
magsisilbing kayamanan na ibinigay sa ating mga magulang. Kaalaman na hindi
mananakaw nino man. Dapat talaga tayong mag-aral ng mabuti upang masuklian
natin ang paghihirap na ginawa n gating mga magulang makapag-aral lang tayo. Sa
buhay pag-ibig naman dapat pag nararamdaman mong siya na talaga ay dapat huawag
ng magduwag-duwagan pa upang hindi magsisi sa huli. Ipaglaban mo kung may
karapatan ka at bitawan mo kung ito ay hindi pa sayo. Natutunan ko na ito ay sa
Teoryang Bayograpikal dahil nagsasalaysay ito sa buhay ng may-akda na
nagbibigay ng aral sa ting buhay .
Reaksyon:
Ang talaarawang ito ay napapatungkol sa kanyang buhay
sa pakikipagsapalaran ni Jose Rizal sa Maynila. Ako’y lubos na humahanga sa
katalinuhang taglay ni Jose Rizal dahil sa
kanyang mga ginawa at ang kanyang mga napag-aralan. Napakalawak na ng
kanyang kaalaman dahil sa pag-aaral ng maigi at napaka ganda ng mga kursong
kinuha niya.ako ay naantig sa kanyang buhay pag-ibig dahil hindi ito nauwi sa
magandang wakas. Sana kung pinagtapat
niya ng maaga ang kanyang naramdaman ay hindi sana siya maghihinayang. Sana ay
sinabi kaagad niya kay Segunda Katigbak ang tunay niyang naramdaman dahil wala
namang mawawala kung sususbukan. Hindi sana siya nagsisisi kung hindi siya
naging duwag sa kanyang pag-ibig para kay Segunda Katigbak. Angkop naman ang
teoryang napili dahil sa teoryang Bayograpikal, layunin nitong ipabatid sa mga
mambabasa ang buhay ng may-akda. Mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng
may-akda na mapupulutan ng aral at magsisilbing gabay sa mga mambabasa.
Teoryang Imahismo
Ang
Relis sa Tiyan ni Tatay
Ni
Eugene Y. Vasco
Natutunan:
Natutunan ko na
dapat nating bigyan ng halaga ang lahat ng sakripisyong inalay ng ating ama o
mga magulang maitawid lamang tayo sa kahirapan ng buhay. Dapat natin silang
pasalamatan sa kanilang ginawa. Walang hanggan na pagmamahal ang kanilang alay
at binigay ang lahat ng ating mga pangangailangan. Natutunan ko na dapat natin
silang ipagmalaki sa lahat ng tao dahil sa mga sakripisyong kanilang ginawa
maitawid lang tayo sa kahirapan ng buhay.
Ipinakita ng may-akda na ang pagbebenta ng bato ay isang imahen ng isang
damamin o pagmamahal ng isang ama para lang maitawid sa hikahos na hirap ng
pamilya. Natutunan ko rin na ito ay napabilang sa Teoryang Imahismo dahil sa
mga imahen na nakakatulong upang mas higit na maunawaan ng mga mambabasa ang
kaisipan o ideya na nais ipabatid ng may-akda.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang ama na handing gawin lahat para
lang sa kanyang pamilya. Nakakaantig na puso’t damdamin ang ginawa ng ama dahil
ibinenta niya ang kanyang bato para lang matawid ang buhay o pamumuhay ng
pamilya. Napakaganda ng kwentong ito dahil sumasagisag ito sa kabayanihan at
sakripisyo ng isang ama para lang magkaroon ng magandang buhay ang kanilang
pamilya. Lahat ng magulang gustong magkaroon ng maginhawang buhay para sa kanilang
mga anak. Kagaya sa kwentong ito hindi lamang siya nakatulong sa kanyang
pamilya kundi nakatulong rin siya sa taong nangangailangan ng bato.
Handang gawin ng isang ama mataguyod lamang ang
kanilang pamilya at makaraos sa pangaraw-araw na pamumuhay. Saludo ako sa
ginawa ng ama at sana’y marami pang mga ama ang may ganitong katangian. Angkop
siya sa teoryang Imahismo dahil gumamit ng imahen na katulad ng Riles sa tiyan
ni Tatay upang mas higit na maipahayag ang damdamin, kaisipan o ideya sa kwento
upang mas madaling maunawaan ng mambabasa.
Teoryang Romantisismo
Sayang
na Sayang
Natutunan:
Natutunan ko sa kwentong ito na kung natagpuan mo na ang para sayo,
huwag mo ng bitiwan pa at baka magsisi ka lang sa huli. Ang pagsisisi ay
lagging sa huli kaya sana’y magdesisyon tayo ng maigi at alam natin ang landas
na tatahakin. Sa buhay may darating at may umalis ng hindi inaasahan. Kung
mahal mo ang isang tao, ipakita at iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal at
pag-aalaga na kailangan. Huwag hinataying masasabi mo sa iyong sarili na sayang
na sayang dahil sobrang sakit kung ito’y maramdaman. Kung magmamahal ka man ng
iba siguraduhin mong wala ka ng nararamdaman sa iyong nakaraan dahil hindi
tamang gawing parang panakip butas ang isa. Natutuna ko na kung magpapakasal
man ako ay sa tunay kung minamahal upag ang buhay ko’y magiging masaya kasama
siya at wala akong pagsisisihan. Natutunan ko rin na ito ay Teoryang
Romantisismo dahil tungkol ito sa pag-ibig o pagmamahalan.
Reaksyon:
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang
pagmamahalan ng dalawang tao na tila nahantong
sa isang napakalungkot na wakas. Napakaganda ng kwentong ito, maraming mga
kabataan ang magka interes na basahin ito dahil ito ay tungkol sa pag-ibig.
Hanga ako sa determinasyon at sakripisyong ginawa ng lalaki dahil tunay at
wagas na pagmamahal ang inalay niya sa babae. Seryoso talaga siya sa panunuyo
sa babae, kahit magkaiba man ang estado ng kanilang buhay ay handa pa rin
niyang ipagpatuloy ang ag-ibig sa babae. Nakakainis talaga ang ginawa ng babae
dahil sobrang pakipot ito, alam naman niyang seryoso yung lalaki at mahal naman
niya ito ay pinapahirapan pa rin niya ito. Nakakalungkot dahil binitawan niya
ang taong tunay na nagmamahal sa kanya. Kahit may asawa na siya ay siya pa rin
ang mahal ng lalaki at mahal rin naman niya ang lalaki pero huli na ang lahat.
Hindi tama ang ginawa ng babae dahil nagpakasal siya sa iba na hindi pa
nawawala ang pagmamahal niya sa lalaki. Angkop naman ang Teoryang Romantisismo
dahil napapatungkol ito sa pagmamahal o pag-iibigan ng dalawa.
Comments
Post a Comment